Parang nagbago na naman ang panahon dito sa atin sa Infanta ah. Kahapon laang, ang lakas lakas ng ulan.. pero ngayon.. medyo mainit na, sumikat na ang sun.
Makakapagbilad na naman ang mga magbibilad ng palay dyan sa haywey.. hay naku... ang h,irap dyan sa mga nagbibilad sa haywey, hinaharangan pa nila ng mga kung ano-ano ung kanilang binilad. May mga kahoy, bato, palapa, kulang na lang iharang nila yung sarili nila wag lang masagasaan yung binilad nila... abay takaw disgrasya yan sa mga motorista..ang tendency kase.. iiwasan ang mga binilad...baka daw kase mabusong..hayyy.
...dapat nga matuwa sila mga motorista.. pagdating ng hapon tuyo na ang mga binilad nila.. bayo na pati.
naiitindihan ko ang mga pangangailangan ng ating mga magsasaka na matuyo ang kanilang mga palay pero wag naman nilang angkinin ang daan. hindi naman ata pinagbabawalan ng lokal na pamahalaan ang pagbibilad sa daan pero sana huwag nang harangan ng kung ano-ano ang daan o kalsa na maaring makadisgrasya.. aba'y awan nga.
Mabuti pang maglaba na lang at maisampay sa labas para naman may maisuot na maige-ige. baka ta umulan na naman bukas...

